top of page

Requirements Na Dapat Ihanda sa Magto-tour Sa Thailand 2021

Dahil sa pandemic pansamantalang isinara ng Thailand ang kanilang mga borders para sa mga foreign visitors noong 2020. Pero dahil sa maayos na response ng kingdom sa pandemic, muli nitong binukasan ang kanilang mga paliparan para sa mga nagna-nais bumisita sa Land of Smiles ngayong 2021.



Ito ang mga primary requirements na dapat ihanda upang makapasok ng Thailand bilang turista:


  1. Certificate of Entry - ina-apply ito sa pamamagitan ng link na ito:


Just click the link above and it will lead you to this page:



May instructions kung paano sya i-fill out at may video clip din na pwedeng panoorin for instructions.


2. Confirmed booking from accredited Alternative State Quarantine hotels/hospitals. Ito ang link ng ilan sa mga accredited hotels/hospitals kung saan pwede mag quarantine for 14 days (as of March 31, 2021).



Maaari ding magpa-book ng hotel for your quarantine dito sa Golden Tulip Sovereign Hotel Bangkok. Nag-a-alok din sila ng insurance na pwede mong gamitin at isa sa requirements para makapasok ng Thailand.


Photo Credit: PinoyThaiyo


3. Health Insurance - ang insurance na ito ay dapat covered ang COVID-19 and worth $100,000 dapat. Maraming insurance na covered ang Covid-19 pero make sure lang na pwede sya gamitin sa Thailand. So, itanong muna sa insurance company o agent kung pwede gamitin sa Thailand bago bumili. Pero para sigurado, pwede makipag-ugnayan sa Tune Protect. I higly suggest dito na kayo kumuha ng insurance at magpa book ng hotel for your quarantine, Tanungin nyo lang muna si;a kung may shorter time of coverage sila para makamura kayo. Kasi dito sa example nila 15,000 Baht for one year coverage. Baka meron din silang 6 months or 3 months like other insurance companies.


4. Swab Test Result - ang dapat lang tandaan ay dapat within 72 hours old sya bago ang flight.


5. Fit to Fly - ito ay medical certificate na kukunin sa licensed doctor sa Pilipinas certifying na you are physically fit na mag travel at covid-free. So dapat dala ang swab test result sa araw ng appointment sa doctor.



6. Confirmed round trip ticket

7. Confirmed hotel accommodation booking - ito ay kung wala kang invitation from your relative na nasa Thailand na titigilan mo habang nasa Thailand ka.

8. Other supporting document to prove na you are capable to support your travel like credit card statement, bank statement, etc.



Good news! Ibinaba na sa 10 days ang quarantine period para sa mga tourists na manggagaling sa partikular na bansa. As of April 1, 2021 kasama ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang 10 days quarantine lang. Every two weeks maglalabas ang Thailand ng list ng mga bansang required ang 14 days quarantine. Para sa updated list of countries and updates on list of requirements, please visit Royal Thai Embassy website


Sa kabuan, gagastos ang isang turistang Juan Dela Cruz na manggagaling sa Pilipinas ng around Php100,000.00 para sa lahat ng requirements na kukunin sa Pilipinas hanggang matapos ang quarantine sa sa Bangkok. Kaya isiping mabuti kong worth it ba mag travel sa Thailand habang pandemic. Good luck. Sana magkita tayo dito sa Thailand.




29 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page