top of page

Should the Government Raise the Salary of Teachers?

BLOG #3

What do you think??!!

Hindi pa dapat ako gagawa ng blog for this week. Early this morning, I was browsing my Twitter account and this poll caught my attention. "Do you think the government should raise the salary of teachers?". Huh?! Then I RT(retweet) immediately the poll with my added comment, " "Ano sa palagay nyo? maygaad. " -https://twitter.com/iamjegs_urbano


The poll was done by Manila Bulletin(MB) in celebration of National Teachers Month. Well, maganda naman layunin ng MB. Siguro para makarating sa gobyerno ang sentiments at boses ng mga teachers. Katatapos lang ng aking second blog about teachers lives and sa ating mga ka-guro na nag-suicide. Those problems I mentioned there ay ilan lamang sa kinakaharap ng ating mga teachers. Tapos may mababasa akong ganun? Well, kailangan ba talaga itaas ang sweldo ng mga guro? O kinakailangan na itaas ang sweldo ng mga guro?



A big YES! Sa aking pananaw, napapanahon na talaga at nararapat lang. And I am speaking not only for public teachers but also for private teachers. Let's face it, marami ding pangangailangan ang ating mga guro. May pamilya din sila. Kumakain din sila. Namamasahe din sila at marami pang iba. Pag nagkaton pa, sa mga bulsa pa nila kukunin mga supplies sa loob ng classroom. Let's be practical. Pag malaki ang sweldo ng mga guro mas magiging masaya sila. At pag masaya sila mas gaganda disposition at outlook nila sa buhay. Mas magiging motivated sila. Mas tataas dignidad nila. And who will be benefited at the end? Ang ating mga estudyante! Domino effect lang yan.


I would like to personally salute and thank MB for initiating the said poll. Just that nakakalungkot lang na hanggang ngayon isang malaking usapin pa din ang pagtataas ng sweldo ng mga guro. As far as I remember parang issue na yan nasa grade school pa lang ako. Tumaas na presyo ng bigas. Mataas na pamasahe. Mataas ng presyo ng galunggong. Mataas na presyo ng sili. Mataas na ang halaga ng dolyar kontra sa piso. Ang baha tumataas na din. Sweldo na lang ng mga mahal nating mga guro ang nanatiling mababa.



Masarap sa pakiramdam ng mga guro na naa-appreciate and nare-recognize ng government ang contributions ng teachers sa nation building by celebrating this National Teachers Month. Pero, pero, at pero hindi po sya makakain. Hindi sya maibibili sa palengke. Hindi sya pwede ipamasahe. Ang katotohanan, mababa pa din ang sweldo ng mga guro. Sana nga makaabot sa gobyerno ang poll na ginawa ng MB. Pero sa aking palagay, alam naman ng mga namumuno sa atin ang kahilingan at karaingan ng ating mga guro. I just don't know ano na nagyayari. Sa palagay nyo, ano po nagyari o nagyayari?



Sana sa pamamagitan ng blog kong ito, maipaparating ko sa karamihan ang mga hinanaing ng mga guro. Please comment below kung ano pa sa tingin nyo ang dapat binibigyang pansin ng pamahalaan para sa kapakanan ng ating mga guro. Please share this blog para makarating sa nakakarami. Or please support the MB's poll: https://www.facebook.com/manilabulletin/videos/260831774769501/


Maraming salamat. Mabuhay ang mga teachers. Happy National Teachers Month!





27 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page